Tuesday, September 22, 2009

Sulat, Sulat

Debit, Credit
Markang 98 ay sinulit.
Sinanay kong mabuti noon,
Ngunit ang hanap ko'y iba pa rin ngayon.

Sulat, Sulat, ako'y salubungin
Dating lungga, muli kong bubuhayin
Ako ba'y tatanggapin, o iyo nang itatakwil?
Pagkawala ko'y ipagpaumanhin, mahirap kasi ang accounting

Sa aking pagbabalik sa mundong minsa'y nilisan
'Wag sanang magtampo, plumang aking binabalikan
Malikhaing Pag-iisip ako'y huwag pagpanawan
Ililibre pa kita ng kwek-kwek sa lansangan!

Sinunog na akda, pilit na ibabalik
Tinapong mga tula, muli nating bubuuin
Panibagong simula, sa iyo at sa akin
Sulat, Sulat, ako'y salubungin.




2 comments: